Updates on my previous blog post here: Basura Project .
Siyempre eto na ang kasunod. A week later dumating ang iba pang mga tauhan ng Quezon City Hall under ng Waste Disposal Management. Inalam nila ang mga pangyayari at malumanay naman silang nag paliwanag. Sa madaling salita, natural lang na magpaliwanag din kami ng aming saloobin. Pagkatapos ng linggong iyon, dumating nang muli ang truck ng basura, as usual kasama ang kanilang taga check ng mga nabubulok at hindi. Until now hindi ko pa rin alam ang pangalan ng babae, ngunit sa magandang pagkakataon ay nagkaharap na kaming muli at malumanay siyang nakipagusap. Sa wakas, may magandang side din naman pala siya kung hindi nga lang pangungunahan ng init ng ulo. Natural diba alangan namang bigla na lang kami makikipagaway ng walang dahilan. Siya mismo ay nagsalita ng matiwasay at gayundin naman ang aking pakikipagusap sa kaniya.
Recently, madalas ko nang hindi binabasura ang mga kalat na nakita ko sa kalye. sa kadahilanang sinabi ng mga coordinator nila ay tumatak ngayon sa isip ko na huwag daw problemahin at trabaho daw ito ng lokal. Sa aking pagkakaintidi, ito ay trabaho ng streetsweeper ng aming baranggay. Hindi ko pa rin siyempre inaalis na magwalis sa kalye ang pinagkaiba nga lang hindi ko na pinapasok ang mga basura at sadyang itinutumpok tumpok ko na lamang sa gilid nang sa gayon ay dadamputin na lamang ng mga sweeper sa katanghalian. Masuwerteng dumating sila ng maaga dahil madalas ay halos alas-9 or alas-10 na halos kung makarating sila sa harap. Ang masaklap pa nito, dahil sa mga nagdaang mga araw na umulan ay walang sweeper na nagwalis sa aming kalye. Sabi nila wala daw kapote, yun ang dahilan nila. Eh hindi ba't kasama ang kapote sa budget ng uniporme ng sweepers? Natural lang na magkaroon sila ng kapote dahil sa buong taon hindi lahat ng panahon ay tag-araw. Bakit wala sila nito? Sana naman ay magawan na rin ito ng aksyon. Siyempre naman, ilang araw ring marumi ang kalye. Suwerte pa rin at may mga puno dito at walang nagtatapon ng plastik sa imburnal kaya't hindi ni minsan nagbaha ang aming lugar.
Anyway, okay na rin dahil nagkaayos na ang mga hindi nagkakaintindihan tungkol sa basura, between sa komunidad at mga waste segregators. Nasa mabuting usapan lang yan eh diba? Sana lang ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay parating nakangiti at hindi maigsi ang pasensiya dahil pribilehiyo nila na mapabilang sa mga tauhan at pasuwelduhan ng Quezon City. Dapat lang na tratuhin nila ng maayos ang mamamayan na nagbabayad ng buwis.
Ang Quezon City ay may maraming establishments na sa ngayon at maraming tao na tumatangkilik sa mga ito kaya for sure malaki-laki ang nakukubrang buwis ng munisipyo taon taon. Sa bawat kibot ng tao ay may tax. Sana lang mauwi ito sa mga karapat-dapat na tao. Kung kotong ka, Tamad or Bastos wala kang puwang sa Quezon City! Yun lang!
No comments:
Post a Comment