Basura Project

Matagal ko nang gustong ireklamo ang mga kasama ng basurero na kumokolekta sa aming lugar. Sa tingin ko dagdag sweldo lamang ito na kinukuha sa kaban ng bayan. Hindi naman ganon ka-walang-malay ang mga basurero natin para kumuha pa ng karagdagang taong pasahurin para magdesisyon kung ano ang nabubulok at hindi nabubulok.  Mas maiging idagdag na lamang sa mga sahod ng basurero ang perang binibigay dun sa mga kasama nilang segregator na ni ayaw humawak ng basura tuwing kumukolekta.

Sa bahay namin, ni minsan hindi kami naghalo ng kaning baboy sa basurahan. Ang mga pinagkainang nabubulok ay parating nakahiwalay. Ang mga hindi nabubulok ay halos maubos na ng mga nangangalakal para hingin. Kaya't ang basurang galing sa loob ng bahay ay halos kakapiraso lang.

Ang problema kasi ay ang basurang nakolekta namin sa labas ng bahay, sa kalye. Halimbawang may mahalong ibang punit punit na maliliit na kahoy or pinagkainan ng mais sa basura ay basta na lamang iiwan ng kolektor ang isang drum ng hindi nabubulok. Yung maliliit na basura ba ay hihimayin mo kung nagwawalis sa kalye? Hindi naman maiiwasan na tuwing nagwawalis sa tapat ng bahay ay may mga tansan na marurumi, plastik ng kendi na basa at may halong nahulog na dahon, durog na tinapay, kendi, madalas ay may langgam pa. Minsan may halo pang kung ano anong buto dahil sa mga pusang tumatapat sa bahay at doon ay kumakain sa gilid ng gutter o kanal. Natural lang na kapag nagwawalis ka sa kalye, hindi mo hahawakan ang basurang winawalis mo. Hindi naman lahat ng basura ay nanggaling sa loob ng bahay. Eh paano naman ang basura sa kalyeng winalis para mapanatiling malinis ang kapaligiran? Ikaw pa ba ang maghihimay nito? Minsan basa sa ulan, minsan may putik.. kung ganun din lang eh di sana nagbasurero ka? Sa tingin ko hindi naman makatarungan ang ganitong gawain na halos maipon ang basura sa tapat ng bahay sa ganitong baluktot na dahilan na paulit ulit na sinasabi ng mga garbage segregator. Mas gugustuhin mo ba na dumaloy ang basura sa kanal at sewage system kesa walisin at ibasura? Siyempre, kapag may nakikita kang ganito, mas maiging dust-panin at itapon sa basurahan kesa naman bumara sa kanal. Alin ba ang mas magastos? Pero bakit ganito ang dahilan ng mga nangongolekta ng basura? Bukod sa dagdag budget lamang ang ganitong mga tauhan sa gobyerno, wala naman silang naitutulong kundi ang magkaron ng kasagutang residente tuwing magiiwan ng basura na dapat sila mismo ang kumokolekta. Another basurang sistema! Sa laki ng budget ng Quezon City, wish ko lang na sanay ay hindi mapunta ang kaban ng bayan para lamang sa bastos at pilosopong gargbage coordinator na yan.

Sa totoo lamang, kami ay nakikisama sa paghiwa-hiwalay ng basura. Hinihiwalay namin ang nabubulok sa hindi nabubulok. Ang tanong saan naman maaring itapon ang mga kalat na nalikom namin sa kalye na nasa tapat lamang ng aming tahanan? Sabi nila trabaho raw ito ng mga street sweepers ngunit hindi maiiwasan na ang mga street sweepers na ito ay abutin ng tanghali bago makarating sa tapat ng aming bahay. Dahil kami naman ay may pakialam sa aming kapaligiran, kami ay magkukusang magwalis. Isa pang pagkakataon ay ang pag-wawalis namin sa hapon. Hindi naman lingid sa ating lahat na ang mga Street Sweepers ay nagwawalis lamang tuwing umaga, paano naman ang nagkalat na basura tuwing hapon? Hindi mo maaalis sa isang tulad ko na concern sa kapaligiran ang magwalis o dumampot ng basura kapag aking nakita lalong lalo na kung ito ay nasa imburnal na. Bago pa man din mahulog ang basang plastik na kung minsan ay may mga kasamang maliliit na nabubulok, aagapan ko nang damputin sa dustpan kahit pa hindi ko ito basura. Dahil alam ko na sakaling mahulog ito sa imburnal tiyak na babara ang mga ito pagdating ng panahon. Sana lamang hindi na matapat sa amin ang bastos na waste management coordinator na ito, dahil sadyang bastos siya. Ginagalang namin ang mga trabaho ng nangongolekta ng basura pero kung babastusin lang naman din kami, bastusan ba ang labanan dito? Sa tingin ko sila lang talaga ang sumisira sa imahe ng alkalde na dapat sana'y magandang proyekto tungkol sa basura.


Ito ang hitsura ng bastos na segregator na dumaraan tuwing koleksiyon ng di nabubulok na basura! Oo ning, maging proud tayo sa anumang trabaho natin pero wala sa SOP niyo ang maging mayabang at bastos sa mga taxpayers!


Truck ng basura: RCH 660