Updates on my previous blog post here: Basura Project .
Siyempre eto na ang kasunod. A week later dumating ang iba pang mga tauhan ng Quezon City Hall under ng Waste Disposal Management. Inalam nila ang mga pangyayari at malumanay naman silang nag paliwanag. Sa madaling salita, natural lang na magpaliwanag din kami ng aming saloobin. Pagkatapos ng linggong iyon, dumating nang muli ang truck ng basura, as usual kasama ang kanilang taga check ng mga nabubulok at hindi. Until now hindi ko pa rin alam ang pangalan ng babae, ngunit sa magandang pagkakataon ay nagkaharap na kaming muli at malumanay siyang nakipagusap. Sa wakas, may magandang side din naman pala siya kung hindi nga lang pangungunahan ng init ng ulo. Natural diba alangan namang bigla na lang kami makikipagaway ng walang dahilan. Siya mismo ay nagsalita ng matiwasay at gayundin naman ang aking pakikipagusap sa kaniya.
Recently, madalas ko nang hindi binabasura ang mga kalat na nakita ko sa kalye. sa kadahilanang sinabi ng mga coordinator nila ay tumatak ngayon sa isip ko na huwag daw problemahin at trabaho daw ito ng lokal. Sa aking pagkakaintidi, ito ay trabaho ng streetsweeper ng aming baranggay. Hindi ko pa rin siyempre inaalis na magwalis sa kalye ang pinagkaiba nga lang hindi ko na pinapasok ang mga basura at sadyang itinutumpok tumpok ko na lamang sa gilid nang sa gayon ay dadamputin na lamang ng mga sweeper sa katanghalian. Masuwerteng dumating sila ng maaga dahil madalas ay halos alas-9 or alas-10 na halos kung makarating sila sa harap. Ang masaklap pa nito, dahil sa mga nagdaang mga araw na umulan ay walang sweeper na nagwalis sa aming kalye. Sabi nila wala daw kapote, yun ang dahilan nila. Eh hindi ba't kasama ang kapote sa budget ng uniporme ng sweepers? Natural lang na magkaroon sila ng kapote dahil sa buong taon hindi lahat ng panahon ay tag-araw. Bakit wala sila nito? Sana naman ay magawan na rin ito ng aksyon. Siyempre naman, ilang araw ring marumi ang kalye. Suwerte pa rin at may mga puno dito at walang nagtatapon ng plastik sa imburnal kaya't hindi ni minsan nagbaha ang aming lugar.
Anyway, okay na rin dahil nagkaayos na ang mga hindi nagkakaintindihan tungkol sa basura, between sa komunidad at mga waste segregators. Nasa mabuting usapan lang yan eh diba? Sana lang ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay parating nakangiti at hindi maigsi ang pasensiya dahil pribilehiyo nila na mapabilang sa mga tauhan at pasuwelduhan ng Quezon City. Dapat lang na tratuhin nila ng maayos ang mamamayan na nagbabayad ng buwis.
Ang Quezon City ay may maraming establishments na sa ngayon at maraming tao na tumatangkilik sa mga ito kaya for sure malaki-laki ang nakukubrang buwis ng munisipyo taon taon. Sa bawat kibot ng tao ay may tax. Sana lang mauwi ito sa mga karapat-dapat na tao. Kung kotong ka, Tamad or Bastos wala kang puwang sa Quezon City! Yun lang!
My Hungry Thoughts
Basura Project
Matagal ko nang gustong ireklamo ang mga kasama ng basurero na kumokolekta sa aming lugar. Sa tingin ko dagdag sweldo lamang ito na kinukuha sa kaban ng bayan. Hindi naman ganon ka-walang-malay ang mga basurero natin para kumuha pa ng karagdagang taong pasahurin para magdesisyon kung ano ang nabubulok at hindi nabubulok. Mas maiging idagdag na lamang sa mga sahod ng basurero ang perang binibigay dun sa mga kasama nilang segregator na ni ayaw humawak ng basura tuwing kumukolekta.
Sa bahay namin, ni minsan hindi kami naghalo ng kaning baboy sa basurahan. Ang mga pinagkainang nabubulok ay parating nakahiwalay. Ang mga hindi nabubulok ay halos maubos na ng mga nangangalakal para hingin. Kaya't ang basurang galing sa loob ng bahay ay halos kakapiraso lang.
Ang problema kasi ay ang basurang nakolekta namin sa labas ng bahay, sa kalye. Halimbawang may mahalong ibang punit punit na maliliit na kahoy or pinagkainan ng mais sa basura ay basta na lamang iiwan ng kolektor ang isang drum ng hindi nabubulok. Yung maliliit na basura ba ay hihimayin mo kung nagwawalis sa kalye? Hindi naman maiiwasan na tuwing nagwawalis sa tapat ng bahay ay may mga tansan na marurumi, plastik ng kendi na basa at may halong nahulog na dahon, durog na tinapay, kendi, madalas ay may langgam pa. Minsan may halo pang kung ano anong buto dahil sa mga pusang tumatapat sa bahay at doon ay kumakain sa gilid ng gutter o kanal. Natural lang na kapag nagwawalis ka sa kalye, hindi mo hahawakan ang basurang winawalis mo. Hindi naman lahat ng basura ay nanggaling sa loob ng bahay. Eh paano naman ang basura sa kalyeng winalis para mapanatiling malinis ang kapaligiran? Ikaw pa ba ang maghihimay nito? Minsan basa sa ulan, minsan may putik.. kung ganun din lang eh di sana nagbasurero ka? Sa tingin ko hindi naman makatarungan ang ganitong gawain na halos maipon ang basura sa tapat ng bahay sa ganitong baluktot na dahilan na paulit ulit na sinasabi ng mga garbage segregator. Mas gugustuhin mo ba na dumaloy ang basura sa kanal at sewage system kesa walisin at ibasura? Siyempre, kapag may nakikita kang ganito, mas maiging dust-panin at itapon sa basurahan kesa naman bumara sa kanal. Alin ba ang mas magastos? Pero bakit ganito ang dahilan ng mga nangongolekta ng basura? Bukod sa dagdag budget lamang ang ganitong mga tauhan sa gobyerno, wala naman silang naitutulong kundi ang magkaron ng kasagutang residente tuwing magiiwan ng basura na dapat sila mismo ang kumokolekta. Another basurang sistema! Sa laki ng budget ng Quezon City, wish ko lang na sanay ay hindi mapunta ang kaban ng bayan para lamang sa bastos at pilosopong gargbage coordinator na yan.
Sa totoo lamang, kami ay nakikisama sa paghiwa-hiwalay ng basura. Hinihiwalay namin ang nabubulok sa hindi nabubulok. Ang tanong saan naman maaring itapon ang mga kalat na nalikom namin sa kalye na nasa tapat lamang ng aming tahanan? Sabi nila trabaho raw ito ng mga street sweepers ngunit hindi maiiwasan na ang mga street sweepers na ito ay abutin ng tanghali bago makarating sa tapat ng aming bahay. Dahil kami naman ay may pakialam sa aming kapaligiran, kami ay magkukusang magwalis. Isa pang pagkakataon ay ang pag-wawalis namin sa hapon. Hindi naman lingid sa ating lahat na ang mga Street Sweepers ay nagwawalis lamang tuwing umaga, paano naman ang nagkalat na basura tuwing hapon? Hindi mo maaalis sa isang tulad ko na concern sa kapaligiran ang magwalis o dumampot ng basura kapag aking nakita lalong lalo na kung ito ay nasa imburnal na. Bago pa man din mahulog ang basang plastik na kung minsan ay may mga kasamang maliliit na nabubulok, aagapan ko nang damputin sa dustpan kahit pa hindi ko ito basura. Dahil alam ko na sakaling mahulog ito sa imburnal tiyak na babara ang mga ito pagdating ng panahon. Sana lamang hindi na matapat sa amin ang bastos na waste management coordinator na ito, dahil sadyang bastos siya. Ginagalang namin ang mga trabaho ng nangongolekta ng basura pero kung babastusin lang naman din kami, bastusan ba ang labanan dito? Sa tingin ko sila lang talaga ang sumisira sa imahe ng alkalde na dapat sana'y magandang proyekto tungkol sa basura.

Ito ang hitsura ng bastos na segregator na dumaraan tuwing koleksiyon ng di nabubulok na basura! Oo ning, maging proud tayo sa anumang trabaho natin pero wala sa SOP niyo ang maging mayabang at bastos sa mga taxpayers!
Truck ng basura: RCH 660
Labels:
Basura Project
Subscribe to:
Posts (Atom)